Wednesday, February 3, 2010

young mind

It is time, time to part
My dear classmates and teachers
We shall miss you all the while
And forget you never more
So good bye, so good bye.
And forget for a while.
We will never forget, all the happy days we've shared.

Ang awit na ito ay mula sa graduation namin noong kindergarten.
Kahit parang may mali sa kantang ito (dahil sa paulit-ulit na salitang 'forget'), tuwang tuwa pa rin ako pag kinakanta ko to.
Kung alam ninyo ang kantang Lullaby, pareho lang sila ng tono.
Nakakatuwa.
Sa kabila ng pagiging malilimutin ko ngayon, ang mga bagay na tumatak sa isip ko noong bata pa ako ay hindi agad napapawi.
Eto pang isa:

Pasukan na naman, bakasyo'y tapos na.
Balik paaralan, guro't kaeskwela.
Muling makikita-kita at magsasama-sama.
Muling mag-aaral, sumulat, bumasa.

Grade 2 ata ako nito ng ipa-memorize sa amin ng teacher namin tong tulang to.
Araw-araw, tuwing umaga, kailangang i-recite.
Ilang buwan din siguro.
Dahil don, name-morize ko hanggang ngayon.
At hanggang ngayon, na-aamaze pa rin ako.
Ang galing talaga ng human mind!